Friday, April 27, 2012

Make-up

"ma'am, try nyo make up products namin! made from ITALY po yan!!!!!, may libre kayong make over!"
those were the words i heard from ate saleslady of a make up store at star mall alabang.  kasama ko yung colleague ko kanina, and since she's a make-up person, lumapit kami to see their products..
pero ang di ko alam, di na pala kami patatakasin ni ate!.. hinawakan nya kaagad ang bumbunan ng kasama ko para hindi makagalaw yung ulo nya at bigyan ng "sapilitang make over"
maganda daw yung products nila kaya 300 plus ang price.. i can't give my comment naman kasi i don't wear make up.. wala akong idea kung magkano yung mga pampakulay na yun sa mukha.. kung bibigyan mo ako ng make up kit, baka mapagkamalan kong blush on yung eye shadow.. at ink ng pentelpen ang maskara..
hindi ko alam kung totoo yung sinasabi nila na maganda yung product nila dahil made from italy.. kaya nung habang pinipintahan ni ate yung kasama ko, buong puso at pawis ko yung pinanood.. baka kasi kako, magmukhang italiano yung kasama ko, eh aba.. magpapa make over na rin ako! ako pa hahawak mismo sa bumbunan ko!
after 15 minutes ng panonood, nakita kong kumapal ang kilay ng kasama ko.. "korol" pink ang kanyang cheeks and lips, at may tatlong shades ng korol ang kanyang mata.. ayos! hindi naman nagmukhang italiano yung kasama ko eh.. nagmukha lang cyang fresh..
natutuwa ako sa make up, nagmumukha kasi akong tao kahit bilang palang sa isang kamay ko kung ilang beses na ko nakapagpalagay nito sa mukha ko.. hindi ko kasi trip ang feeling nung may sampung layer sa mukha..
ang bigat sa pakiramdam..
pati yung nilalagay sa talukap ng mata.. potek! ilang beses kaya akong lumuha bago natapos maglagay ng ganun sa mata ko.. 
yung lipstick naman.. bkit parang ang hirap itikom ng bibig kapag nakalipstick ka? gnun b tlg un??
may napanood ako minsan.. "weapon" daw ng babae ang make up.. pero di ko na pinakinggan kung bkit.. nag assume na lang ako ng sarili kong explanation.. pero di ko na lang sasabihin.. ang babaw eh..
pero ng dahil sa make up, nag trending ang profile picture ko sa facebook! aba'y nagmukha naman tlg akong tao dun.. more than 100 likes and comments.. achievement na sa akin yan!
ikaw? nagme-make up ka din ba? turuan mo naman ako! ^_^